Buwan ng Wika 2017 sa ICI-Iligan

Nakasanayan na natin na sa tuwing sasapit ang Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika; na kung saan ipinagmalaki natin ang ating sariling Wika, at binibigyang pugay.

Noong nakaraang Agosto 1, 2017, nagkaisa ang buong ICI sa pagbukas ng Buwan ng Wika na sa temang “Filipino: Wikang mapagbago.” Ito ginanap sa ICI Annex 1, Activity center.

Pinapangunahan ito ng introduksyon ng mga matitipunong Ginoong wika at magagandang Binibining  Wika sa bawat blocks o kurso ay may pambato.

Nagkaroon rin ng pagtitinda ng iba’t ibang kakanin. Bilang Pilipino kailangan rin natin ipagmalaki  ang ating mga pagkaing Pinoy.

Ang pagbukas ng selebrasyon sa Buwan ng Wika ay naging matagumpay. Dahil sa kooperasyon ng bawat isa, at dahil rin sa pangunguna ni Gng. Gianne O. Paras, Faculty and staff at sa suporta ng Filipino Club sa pangunguna ni Jan Illustre.

Ang bawat isa ay umuwing may ngiti sa kanilang mga mukha at memorableng pagbubukas ng Buwan ng wika.

 

By: Dina Aser

comments